Hay.. Buhay nga naman, sadyang mapagbiro at nakakatawa. Maraming mga bagay kasi sa mga mundong ito ang madalas, ayaw natin pero yun pala ang makakabuti satin. O kaya naman ay yun pala ang makakasama sa atin pero yun ang pinakagusto nating ginagawa. Pero ano't ano pa man ang mga bagay na yun, sabi nga ng tatay ko, alam natin ang makakabuti at makakasama sa atin and ano man ang ikasira o ikabuti natin ay resulta ng mga bagay na ginagawa natin.
Tulad ngayon, eto ko, isang mabait na estudyante. Oo nga't hindi ako masaya sa kursong nakuha ko, eto ang mas makakabuti para sakin at para sa mga taong nakapaligid sakin. Ginusto ko man ang kursong ito o hindi, resulta pa rin to ng desisyong binuo ko... ang pag-sang-ayon.