Simula ng magcollege ako, madalas kong ipagdasal kay Lord na sana po, walang magkagusto saking lalaki at sana wala po kong magustuhan. Pero hay...sakit sa ulo, tatlo na ata silang nangangakong aantayin ako eh hindi naman ako nagpapaantay.
Naiisip ko ngang madalas, bat ba puro lovelife na lang naririnig ko sa mga tao. Sa TV, hindi kumpleto ang palabas kapag walang love story ni lalaki at girl na bida. Sa mga novels, love story pa rin. KAya ayan, karamihan sa mga kabataan, imbes na pag-aaral, walang inatupag kundi ang tumataginting na LOVELIFE!!!!hay naku....
Yung tipong, hindi mabubuhay pag walang syota at halos magbigti pag niloko ni boyfriend. At naku, ewan ko ba, isa pang kinakainis ko pag nanonood ako ng TV eh ang pabata ng pabatang edad ng mga bida sa mga Love story ika nga. Kaya ayan, ang epekto, daming mga elementary pa lang, may syota na. Kaya daming nabubuntis eh.
Well, naiisip ko, walang masamang mag enter ng relationship as long as you know your limitations at kung hanggang saan lang ang dapat na maramdaman ng puso. Totoo, nakakainspired naman talagang mainlove and maraming tao ang nagtatransform into good samaritan dahil sa love. But, everything has their right time and places. Kung para sayo yan, para sayo talaga yan. Ano mang takbo at iwas gawin mo, sayo't sayo pa rin yan. And bear in mind my dear readers, true love can wait. Yan ang motto ko pagdating sa love. So wala tayong dapat ipagmadali. Iba pa rin yung piliin natin yung mga mamahalin ant kakasamahin natin habang buhay ng tayo ay stable na in all aspect. And most of all, ang relationship na maagang umusbong, naniniwala akong maaga ding malalanta lalo na kung hindi pa handa dahil sa mahinang pundasyon.
Kaya nga naiisip ko, yung lalaking mamahalin ako kahit na kulubot na ko at kaya kong hintayin hanggang mag 50 years old, yun ang mamahalin habang nabubuhay ako. Bakit?dahil yun ang true love..para saan pa ang motto kong..TRUE LOVE CAN WAIT kung sandali lang mag-aantayan diba? Tsakah sabi nga ng prof ko sa philosophy of man, RELATIONSHIPS BECAME TRUE WHEN YOU NO LONGER SEE THE PHYSICAL ASPECT OF A PERSON, INSTEAD, YOU PAY THE MOST OF YOUR ATTENTION TO THE SOUL THAT IS RESIDING DEEP WITHIN THAT PERSON.
Naalala ko tuloy ang panaginip one night wherein nakita ko ang soul ng crush ko. Yung crush ko na yon, i don't know if its really a crush or...something na more than pa dun. Pero sa ngayon, ayokoh muna isipin ang sagot. Focus muna ko sa pag-aaral ko at saka na yung mga ganyan pag stable na buhay ko. Yung tipong yun na lang ang kulang sakin. Sa ngayon naman, masaya ko na nakikita ko sya, kahit hindi nya ko nakikita, and masaya ko na everything is doing well in his life. Pag dumating yung araw na for the second time, makita ko sya, i would always be glad dahil nagkaroon pa ko ng chance na makita sya.
Goodnight everyone. I love my family....so much....Lets all be thankful that God has been always with us...