Friday, July 08, 2011

ANO BA ANG PINAKA HAPPY NA PWEDE MANGYARI SAYO?

Kanina, habang nasa CR kami ng mga kaibigan ko pagkatapos ng klase naming sa Anatomy and Physiology naming na subject, napag usapan lang namin kung ano bang bagay ang pinakamasayang pwedeng mangyari sayo sa buhay na to.

Isang friend ko ang nagsabing, Masaya ung may utak ka pero hindi mo ginamit. Yung isa naman sabi nya, masaya daw yung tipong lahat ng gusto mo, sya mong nagagawa. Sabi ko naman….wala ng mas sasaya pa sa makahanap ka ng mga tunay na kaibigan.

Totoo naman diba? Di bale nang wala kang boyfriend or what…basta may kaibigan ka lang. at masaya ko na sa tingin ko nahanap ko na sila. Mga taong ayun..hindi ko kailangang isipin ang bawat sasabihin ko dahil alam kong maiinitindihan nila ko dahil un ang personality ko at yung makakakilos ako ng hindi ko iisipin na ui..bka maturn off sila. Yung tipong…anjan talaga pag kailangan mo sila at nagmamalasakit sayo ng sobra. Hay..naalala ko tuloy nung bakasyon..nkakatouch…keep in touch kahit hindi nagkikitah kitah… at kapag masama pakiramdam ng isa…naku ayan na…mga hindi na mapakali kasi nag-aalala.. feeling ko tuloy…kahit na iba iba mga magulang naming…iisa naman ang mga pusod naming..hhahahha…

Sobrang thankful ako kay Lord sa blessing nyang mga kaibigan…bukod sa mabuting pamilya… nakakataba ng puso na si Lord…hindi man natin nakikita..nararamdaman naman natin sya through the people that He sents us as gifts para Makita natin how much we means to Him… tunay ngang walang imposible sa PRAYERS.
Eh sayo?ano bang pinakamasaya na pwedeng mangyari?