"Didn't mean to take u for granted..
Didn't mean show i don't care..
Didn't mean to throw away this once in a lifetime chance of being with you..“
Ito ang mga linya ng kantang pinapangkiggan ko ngayon. Linya ng kantang gustong magpatulo ng mga nakaambang luha sa mga mata ko. Totoong umibig ako. Ako na manhid, galit sa mga lalaki,..ako na ayaw na merong nagkakagusto sa kanya ay natututong umibig. Pero, hindi kami para sa isa't isa. Sinaktan ko siya. Minaliit at pinaasa. Hindi ko siya naging boyfriend pero halos tila magkasintahan na ang naging turingan naming dalawa. Parang pinapatay ang puso ko sa bawat gabing siya ang naiisip ko. Tahimik kong isinisigaw sa tahimik na kanlungan ng gabi ang lihim kong pagdurusa. Pagdurusa na ako mismo ang gumawa.
Ngayon, sa malimit kong pagtingin sa facebook account nya (kahit binura ko na sya sa friendlist ko) ay nakikita kong masaya sya. At lihim na bumabangon sa dibdib ko ang isang inis at galit sa kanya. Sabi nya'y mahal nya ako. Pero ayut nakikita ko sa wall nya ang matatamis na mensahe nya sa isang babaeng masasabi kong mas maayos manamit at mag ayos sa akin. Doon ay napatunayan kong kay dali nyang nakalimot. Akala ko ba'y hindi na sya maghahanap nang iba pagka't nakita na nya ko.
Ngunit sa kabila ng inis na nadarama ko sa kanya ay lihim siyang pinasasalamatan ng naliwanagan kong isipin. Hindi ako dapat magtiwala agad dahil lamang sa matatamis na dila ng mga taong katulad niya.