First day ngayon ng aming NSTP class. Well, excited ako, kasi may mga bago kong magiging kaibigan sa school. At syempre, andun ang DUDES. Nakakatawa kasi ayun, nag-enjoy ako. Masayahin at madadaldal ang mga bago kong kakilala. Well, hindi ko pa naman kilala lahat pero, natutuwa akong isipin nakapalagayang loob ko agad ang dalawang mula sa PTng nakasundo ko.
Sa araw na to, wala kaming ginawa kundi ang kilalanin ang bawat isa. Sa kasamaang palad, ahahhahah...walang pogi eh, o kaya ay gwapo. Hay, katakut-takot na kulitan at chikahan ang nangyari sa pagitan namin nila Camille at Shiela.
Gayunpaman, inaasahan kong ang Summer Class na ito ay magdudulot ng maganda at magiging isang magandang alaala para sa akin at syempre, pati na rin sa mga bago kong kaklase.