Nagulantang ako ng isang hindi kanais nais na balita..
Ang puso ko'y kumabog sa magkahalong kaba, awa, at ..
Oo, inaamin ko,Ang damdaming naramdaman ko ng mga oras na iyon ay nahahaluan ng bahagyang pandidiri at pagtatanong ng bakit?
Labis na nababahala ang aking puso..
Kaibigan ko sya..
Sa puso ko'y nakatanim ang isang paghanga pagka't..matalino sya, talentado, maganda..
Mga bagay na labis kong hinahangaan at ibig na tularan..
Sa buhay nya'y kayraming mga oportunidad na nakaabang..
Masasabing..tila ba ang bukas nya'y tiyak na maliwanag at maaliwalas..Pero..ewan ko ba..
Ayokong isipin na ang mga lalaki'y tunay na nakakasira sa katinuan ng mga babae...
Ngunit, tila ba ang lahat ay biglang nagdilim at lumabo para sa kanya..
Nang may nangyari sa kanila ng isang lalaki sa buhay nya na ni hindi nya nobyo..
Nakakalungkot mang isipin pero iyon ang totoo..
Ayokong maniwala ngunit ang kanyang mga mata'y wari ba'y may nakasilip na katotohanan..
Minsan pa nga ay naitatanong ko sa aking sarili,
Bakit kailangang pang may ligawan sa panahon na ika'y nag-aaral?
Andyan lang naman yan..
Ang lahat ng bagay ay may nakalaang tamang panahon na matagal ng plinano ng ating butihing Panginoon..
Ngunit, masaklap ang katotohanang tila dito na lamang umiikot ang mundo ng iba sa mga kabataan,
Kasama na ang aking kaibigan. ay isa sa kanila..
Nakaulungkot na ang kaisa-isang bagay na pinakadapat na pag-ingatan ng bawat kababaihan ay naisasantabi,
Bagkus ay natatabunan ito ng makamundong pagnanasa..
Ang panahon nga'y tunay na kaymoderno..
Pabata na ng pabata ang mga maagang nakakaranas ng isang bagay na tinuturing ng simbahan na sagrado..
Isang bagay sa buhay ng tao,na tanging ang sakramento lamang ng kasal ang makakapagpappahintulot.
Pero..ah..nakakalungkot.