Saturday, March 12, 2011

Ayoko ng BOYFRIEND!!

I was checking my account in facebook then may nagcomment sakin ng bakit daw wala pa qong boyfriend.Well, I don't see any reason para makaisip akong magboyfriend. Ang hirap ng buhay sa ngayon. Ang mahal ng tuition fee, ng pamasahe, at ng bilihin. Ang daming problema ng Pilipinas ngayon tas pagboboyfriend lang aatupagin ko?


Hello!!! Pag nagboyfriend ako, syempre, malamang sa malamang, klangan ko ng lalaki, kaya nga boyfriend eh. Eh pano kapag hindi naman matino ang nakuha ko? Eh di na heart broken pa ko. Tas manyak pa, eh di nadungisan pa dangal ko, baka makasampal ako ng tao. Eh kapag mayabang..hay naku! Baka nasama pa kong natangay ng malakas at masamang hangin noh.

Then, kapag nagboyfriend ako, syempre, importante ang communication. Eh tulad ngayon, walah kong cp dahil nanakawan pa lang ako 2 weeks ago, eh di misunderstanding yun. Eh kung may cellphone naman ako, klangan may load ako para pag nagtext sya, makapagreply ako. Eh di, hindi na ko nakaipon non. Imbes na ikakain ko na lang, iloload ko pa para lang mareplyan ang kalahi ni Adan na madalas eh ginagawa lang na parausan ang mga katulad kong babae. Yung iba, TRESPASSING pa. Kahit walang pahintulot!!Manggagahasa pa! Ang worst diba.


Well guys. Hindi po mainit ulo ko. At wala kong gustong patamaan dito. Ang sakin lang, we should think things twice lalo na sa panahon ngayon na pasama na nang pasama ang mundo. Lalo na ang mga babae, isang bagay lang ang dapat nating ingatan hanggang sa araw na mahanap natin c Mr. Right. And sana, sa pagdating nya, buong buo tayo. Ingatan natin ang ating pagkababae. Yun talaga point ko dito eh. Pinahaba ko lang. Kung hindi rin lang natin kailangan mag boyfriend, magpigil tayo. ok? Nang hindi tayo sumisingko.